A life worthy of human dignity for every Filipino

Full width home advertisement

Post Page Advertisement [Top]


Matagumpay nating naidaos ngayong araw ang kauna-unahang Mindanao Island Conference ng Partido Federal ng Pilipinas na ginanap sa South Cotabato Gym and Cultural Center sa Koronadal City.
Bilang National President ng PFP, masaya tayong muling nakasama ang ating mga kapartido mula sa iba't-ibang bahagi ng Mindanao na alam natin ay naniwala sa mga ipinaglalaban ng partido, at nagtrabaho para sa ating tagumpay sa nakaraang halalan.
Layunin ng ating ginanap na pagtitipon-tipon ang maipresenta sa ating mga kapartido ang direksyon na tatahakin ng Partido Federal ng Pilipinas sa susunod na mga araw.
Nagpapasalamat tayo sa pagdalo ng mga opisyal ng partido mula sa iba't-ibang rehiyon sa Mindanao, at asahan ninyong patuloy nating gagawin ang lahat ng ating makakaya upang mapalakas pa ang ating partido tungo sa pagtupad ng ating mga layunin.
Magkakaroon din ng island conferences sa Visayas at Luzon.

Mabuhay ang Partido Federal ng Pilipinas!



Bottom Ad [Post Page]